CHAPTER 20 : UNDER THE SKIN
CALISTA'S POV
Uncle Isagani?!
Sa lahat ng oras--bakit ngayon pa.
...kasama ko pa ang isang d3m0ny0.
Saglit akong lumingon kay Raven. Nakatigil siya sa likuran ko, hindi nagsasalita, pero ramdam ko ang titig niya--matalas, mapanuri, parang hinihimay ang bawat galaw ko.
Pinatay ko agad ang tawag.
Isang pindot. Isang desisyon. Isang lihim na mas lalong bumigat.
Huminga ako nang malalim bago humarap sa kaniya. Isinuot ko ang pamilyar kong maskara--’yung kalmadong mukha na matagal ko nang ginagamit para mabuhay.
Ngumiti ako. Pilit.
“I’m hungry,” sabi ko, kaswal ang tono na parang walang nangyari. “Let’s go.”
Hindi siya agad sumagot.
Sa halip, tumingin siya sa cellphone ko--hindi direkta, pero sapat para ipaalam sa’kin na napansin niya ang lahat: ang biglang pagtigil ko, ang pagputol ng tawag, ang ngiting hindi umabot sa mata.
“Hungry?” ulit niya, mababa ang boses. “Funny timing.”
Lumakad siya palapit. Isang hakbang. Dalawa. Hanggang sa halos magkatapat kami.
“Kanina,” dagdag niya, bahagyang nakangiti, “parang gusto mo na akong p4t4yin. Ngayon, gutom ka na?”
Hindi ako umatras.
Hindi ako tumingin sa cellphone ko ulit.
“Problema mo ’yon,” malamig kong sagot. “Kakain tayo o hindi?”
Saglit siyang natahimik.
At sa katahimikang iyon, may kung anong nagbago sa hangin--parang pareho naming alam na may pumasok na ikatlong anino sa pagitan namin.
Ngumiti siya. Hindi malawak.
“Sure,” sabi niya. “Kumain na tayo.”
Saka siya lumingon palayo at naglakad papunta sa kotse, parang wala lang.
Pero bago siya tuluyang sumakay, huminto siya at nagsalita--hindi ako tinitingnan.
“Next time,” dagdag niya, kalmado pero may babala,
“kapag may tumatawag sa’yo at bigla mong pinapatay ang linya…”
Bahagya siyang lumingon. Isang tingin lang.
“…sabihin mo sa’kin. Ayokong may nauuna sa’king makaalam ng sikreto mo.”
Nanlalamig ang mga daliri ko nang sumunod ako sa kaniya.
Pagkasakay ko sa kotse, agad ko siyang tinignan--taas-noo, taas-kilay, walang balak umatras.
“Kung may tatawag man sa’kin at pinatay ko,” malamig kong sabi, sabay iwas ng tingin sa kanya, “wala ka nang pakialam doon.”
Tumawa siya--maiksi, walang saya.
“Oh? Wala na akong pakialam?” mababa niyang ulit. “Remember, I’m Alfonso’s son. So I have the right na malaman kung sino ang tumatawag sa’yo.” Bahagya siyang yumuko palapit. “What if… you’re cheating on my dad?”
Napatawa ako.
Hindi malakas. Hindi rin hysterical.
Yung klaseng tawa na galing sa taong alam ang kasinungalingan--at hindi natatakot dito.
“Cheating on him?” ulit ko, sabay taas ng noo habang dahan-dahan kong inilapit ang sarili ko sa kaniya.
Sinadya ko.
Hanggang sa halos magdikit na ang ilong namin.
Hanggang sa ramdam ko ang init ng hininga niya.
“Eh anong sa tingin mo ang ginagawa mo sa’kin?” bulong ko, matalim ang bawat salita.
“Hindi ba parang niloloko mo ang dad mo?”
Bahagya kong itinagilid ang ulo ko, diretso ang tingin sa mga mata niya.
“You’re trying to steal his woman.”
Tumigil ang mundo sa pagitan namin.
Hindi siya gumalaw.
Hindi rin ako umatras.
At doon ko nakita--
hindi galit,
kundi aliw.
Dahan-dahan siyang ngumiti. Mabagal. Mapanganib.
“Steal?” ulit niya, parang nilalasahan ang salita. “Hindi ko kailangang magnakaw ng hindi naman talaga sa kanya.”
Kumunot ang noo ko.
“What are you implying?” singhal ko.
Bahagya siyang lumapit pa--isang pulgada na lang ang pagitan namin.
“I’m implying,” bulong niya, halos dumampi ang labi niya sa tenga ko,
“na mas matagal mo na akong kasama sa isip mo… kaysa sa kanya.”
Nanikip ang dibdib ko.
Mabilis akong umatras at itinulak ang balikat niya.
“Delusional ka,” mariin kong sabi. “At huwag mong kalimutan kung nasaan ang lugar mo.”
Tahimik siyang napatingin sa’kin.
At sa unang pagkakataon--
wala ang ngisi.
“Don’t worry,” sagot niya, kalmado pero mas nakakatakot. “Alam ko ang lugar ko.”
Inilagay niya ang kamay sa manibela at pinaandar ang kotse.
“Sa tabi mo,” dagdag niya, hindi tumitingin.
“Hanggang sa ikaw mismo ang umamin.”
Napatingin ako sa bintana, pilit kinokontrol ang paghinga.
Bw!s!t.
Kailangan ko nang makaisip ng paraan kung paano ko siya mawawala sa landas ko--
bago pa tuluyan siyang maging banta sa paghihiganti ko.
Dahil kung magtatagal pa ito…
hindi lang ang misyon ko ang masisira--
kundi ako mismo.
------
Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na kami sa mansyon.
Bumaba si Raven na parang wala lang. Sumunod ako, pilit inaayos ang mukha ko bago pa kami tuluyang makapasok.
Pagpasok pa lang namin sa loob, agad siyang nagsalita.
“Ipagluto n’yo na kami,” utos niya sa mga kasambahay, malamig pero may natural na awtoridad.
Saglit siyang lumingon sa’kin--isang sulyap lang, pero sapat para mang-inis.
“Nagugutom na si Stepmom.”
May kung anong kumurot sa dibdib ko sa paraan ng pagbigkas niya ng salitang iyon.
“Hindi mo kailangang ipangalandakan,” malamig kong sabi, diretso ang lakad papasok. “Kaya kong magsalita para sa sarili ko.”
Ngumiti siya sa likuran ko. Ramdam ko kahit hindi ako lumingon.
“Oh, I know,” sagot niya. “Pero mas gusto ko kapag alam ng lahat kung sino ka rito.”
Tumigil ako.
Dahan-dahan akong humarap sa kaniya.
“At ano ba talaga ang gusto mong ipaalam?” tanong ko, mababa ang boses pero puno ng babala. “Na asawa ako ng tatay mo… o na trip mo lang akong guluhin?”
Sandaling nagbago ang tingin niya. Hindi na panunukso. Hindi na laro.
“Pareho,” sagot niya, diretso. Walang pag-aalinlangan.
Nanahimik ang paligid. Kahit ang mga kasambahay ay parang naglaho sa eksena.
Lumapit siya nang bahagya, sapat lang para maramdaman ko ang presensya niya.
“You're welcome here, stepmom,” bulong niya.
“At huwag kang mag-alala… sisiguraduhin kong hindi ka magugutom--sa kahit anong paraan.”
Hindi ako umatras.
Ngumiti lang ako, pilit, malamig. Saka tuluyan siyang tinalukuran.
Dumiretso ako sa kwarto ko para mag-ayos. Doon ko kinausap si Uncle Isagani. Mabuti na lang at naintindihan niya kung bakit hindi ko nasagot ang tawag niya kanina.
“Just be extra careful with your actions, Calista,” mariin niyang paalala.
“I will, Uncle. Thank you,” sagot ko bago ibinaba ang tawag.
Halos kasabay noon, may kumatok sa pinto.
“Ma’am, nakahanda na po ang pagkain.”
Lumabas ako ng kwarto, inaasahang makikita ko si Raven sa hapag-kainan. Pero pagdating ko roon, bakante ang upuan sa tapat ko.
“Nasan si Sir Raven n’yo?” tanong ko, kunwari’y wala lang.
“Uh--nagpaalam lang po siya, ma’am,” sagot ng kasambahay. “May aasikasuhin daw po saglit sa bar.”
Bahagya akong napangisi.
Ito na ang tamang pagkakataon.
“Ganun ba?” mahinahon kong sabi. “Sige, itabi n’yo na muna ang pagkain. Medyo napagod pa ako.”
Tumango ang mga kasambahay at agad sumunod, walang pag-aalinlangan.
At habang abala sila, palihim akong tumalikod at dumiretso sa kabilang pasilyo--papunta sa kwarto ni Alfonso.
Humigpit ang hawak ko sa hawakan ng pinto.
Oras na.
Oras na para simulan ang paghahanap ng ebidensiya.
At anuman ang matuklasan ko roon--
alam kong babaguhin nito ang takbo ng lahat.
-End of Chapter 20-
>>>to be continue