CHAPTER 24 : DON'T LET GO
Kasabay ng pag-iyak ni Aaliyah ang malakas na tunog ng sirena ng ambulansya habang isinasakay si Raffael.
“Raffael… please… gumising ka…” nanginginig niyang sambit, mahigpit ang hawak sa kamay nito.
Walang malay si Raffael. Maputla ang mukha, at patuloy na dumadaloy ang dugo sa tagiliran niya, binabasa ang damit niya.
Hindi alam ni Aaliyah kung saan magsisimula ang takot niya--
sa dami ng dugong nakikita niya,
o sa katahimikan ng lalaking hindi sumasagot sa tawag niya.
Habang inilalagay siya sa stretcher, saka lang nila napansin--
May maliit na hiwa sa gilid ng katawan ni Raffael.
Isang s4ks4k.
Hindi ito galing sa svntvkan.
Habang nagkakagulo kanina,
may isang gangster na palihim na lumapit…
at isinaksak ang maliit na kutsilyo sa tagiliran niya.
“Bakit ba kailangan na mangyari 'to?” hikbi ni Aaliyah, halos hindi na makahinga.
Sumakay siya sa ambulansya kasama sina Troy, Clark, at Raven.
Mahigpit pa rin ang kapit niya sa kamay ni Raffael--
parang natatakot siyang pakawalan,
parang pakiramdam niya… kapag binitawan niya, mawawala ito.
“Hindi ka pwedeng mawala,” pabulong niyang sabi, halos dasal na. “Huwag mo ’kong iiwan… hindi pa ako tapos magalit sa’yo…”
Parang saglit--
kumurap ang mga mata ni Raffael.
Mahina. Halos hindi halata.
“P…pan…” basag na bulong.
Nanlaki ang mga mata ni Aaliyah.
“Raffael! Andito ako! Huwag ka matulog, please!” iyak niya.
Bahagyang gumalaw ang daliri ni Raffael, pilit hinahanap ang kamay niya.
Hindi niya binitawan.
Kahit nanginginig. Kahit natatakot.
Sa labas, palakas nang palakas ang tunog ng sirena habang mabilis na umaandar ang ambulansya.
“Kumalma ka lang, Aaliyah. Magiging maayos din si Raffael,” mahinahong wika ni Raven.
“Kasalanan ko ’to eh… kung hindi sana--”
Napatigil si Aaliyah nang biglang higpitan ni Raffael ang hawak sa kamay niya.
“Hindi mo kasalanan,” mahina nitong sabi habang nakatingin sa kanya, halatang nanghihina na.
Nangilid ang luha ni Aaliyah. Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa kamay ni Raffael.
“Huwag mo nang ubusin ang lakas mo sa pagsasalita, please?” pakiusap niya, halos pabulong.
Bahagyang ngumiti si Raffael kahit hirap huminga.
“Kung… hindi ako magsasalita,” mahina niyang sabi, pilit nagbibiro,
“baka isipin mong hindi kita pinapansin.”
“Hindi ’to oras ng biro!” singhal ni Aaliyah, nanginginig ang boses.
“Magpahinga ka na lang.”
Mas humigpit ang hawak ni Raffael sa kamay niya.
“Takot na takot ka,” bulong niya.
“Syempre!” pumutok ang luha ni Aaliyah.
“Bawal kang mawala!”
Saglit siyang natahimik. Tinitigan niya si Aaliyah na para bang iniukit sa isip ang mukha nito.
“Hindi ako mawawala,” pangako niya, halos pabulong.
“Hindi pa… hindi habang hawak mo ’ko.”
Biglang bumilis ang tunog ng makina sa ambulansya.
“Sir, please relax,” wika ng paramedic. “Nandito na tayo.”
Humigpit ang kapit ni Aaliyah sa kanya, ayaw bumitaw kahit sandali.
“Raffael,” mahina niyang sambit, nanginginig ang boses.
“Pag gising mo… may sasabihin ako.”
Bahagyang tumaas ang kilay ni Raffael, pilit ngumiti kahit nanlalabo ang paningin.
“Promise?” tanong niya.
Tumango si Aaliyah, may luha pero puno ng determinasyon.
“Promise.”
Doon unti-unting pumikit si Raffael--
habang hawak pa rin niya ang kamay ni Aaliyah.
At sa isip ni Aaliyah, iisa lang ang tumatakbo:
Huwag ka lang mawala… please.
---
Pagkababa nila ay agad na inasikaso si Raffael.
Nagpabalik-balik ang mga nurse at doktor, mabilis ang galaw, seryoso ang mga mukha. Naiwan si Aaliyah sa gilid, nanginginig ang mga kamay, hindi pa rin matanggal ang bahid ng dugo sa palad niya.
Natakot siyang ipaalam kay Selena ang nangyari.
Baka mag-alala lang ito--lalo na’t malayo sila, at wala itong magagawa kundi maghintay at mag-alala.
Nang humingi ng pirma ang nurse para sa mga papeles, mabuti na lang at nasa legal na edad na siya.
Habang pinipirmahan niya ang papel, bahagyang nanginig ang kamay niya. Parang sa bawat guhit ng ballpen, mas lalo niyang nararamdaman ang bigat ng responsibilidad.
“N-Nurse, please… iligtas n’yo ang--”
Pinsan sana ang sasabihin niya.
Pero hindi niya nagawa.
Parang may kung anong humarang sa lalamunan niya, mabigat, masakit.
“…ang kasama ko,” tuloy niya, halos pabulong.
Ngumiti ang nurse, mahinahon pero propesyonal.
“Don’t worry, miss. We’ll take care of him. Mahusay na doktor ang humahawak sa kaniya.”
Sandaling tumingin ito sa kanya--mula ulo hanggang paa. Puro dugo ang damit niya, nanginginig pa ang mga kamay.
“Magbihis ka muna, miss,” dagdag ng nurse, mas malumanay ang tono. “Kami na ang bahala rito.”
Tumango si Aaliyah, pero bago siya tuluyang umatras, sandali siyang lumingon sa direksiyon ng operating room.
Sakto namang dumating sina Raven, Troy, at Clark -- katatapos lang nilang kausapin ang mga pulis.
“Aaliyah!” tawag ni Clark. “Si Raffael?”
“N-nasa operating room na siya,” sagot niya, halos pabulong.
Agad siyang nilapitan ng tatlo. Maingat na tinapik ni Raven ang balikat niya para pakalmahin.
“Huwag ka nang masyadong mag-isip, Aaliyah,” sabi ni Raven. “Aayos din ang pinsan mo.”
“Kilala namin ’yang pinsan mo,” singit ni Troy, pilit nagbibiro.
“Mas matigas pa ’yan sa halimaw.”
Hindi umimik si Aaliyah.
Hindi dahil wala siyang sasabihin--
kundi dahil sa kirot na tumama sa dibdib niya nang marinig ang salitang pinsan.
Ilang taon niyang kinimkim iyon. Ilang taon niyang pilit itinatatak sa isip na hanggang doon lang sila ni Raffael.
Magpinsan lang.
Piliti na ngumiti si Aaliyah at iniangat ang ulo.
“Magbibihis lang ako,” mahinang sabi niya bago hinila ang maleta papunta sa CR.
Sinundan siya ng tingin ng tatlo. Kita sa bawat hakbang niya ang bigat -- matamlay at pagod.
“Normal pa ba ’yung ganung klaseng pag-aalala… para lang sa pinsan?” biglang tanong ni Clark, mababa ang boses.
“Sa tingin ko,” sagot ni Troy habang nakatitig sa palayo nang palayong anyo ni Aaliyah,
“may tinatago ’yung dalawang ’yon. Kasi bakit parang masyado silang handang masaktan para sa isa’t isa?”
Napatingin ang dalawa sa kaniya, bahagyang napaangat ang mga kilay nito.
“Bakit?!" kunot noong tanong ni Troy.
Ngumisi si Raven.
“Himala ah. Sa tagal ng pagkakaibigan natin, ngayon ka lang may nasabing matino.”
“Hoy,” saway ni Troy, seryoso na ang tono.
“Ayos-ayos nga kayo. Nasa operating room ang kaibigan natin.”
Tahimik silang tatlo.
At sa gitna ng katahimikan--
lahat sila, sa iba’t ibang dahilan, ay umaasang lalabas si Raffael nang buhay.
---
Pagkalabas ni Aaliyah ng CR, bihis na siya at hila-hila ang maleta. Agad niyang hinanap sina Raven, Troy, at Clark--ang lugar kung saan niya sila iniwan kanina.
Pero wala na sila roon.
Kumunot ang noo niya. Mabilis siyang napalingon sa paligid, kinabahan.
At doon niya nakita--
Isang pasyente ang inilalabas mula sa operating room, nakahiga sa hospital stretcher, dahan-dahang itinutulak palabas ng mga nurse. Halos natatakpan ang buong katawan nito ng puting kumot, tanging ang isang braso lang ang bahagyang nakalitaw.
Nanlaki ang mga mata ni Aaliyah.
-End of Chapter 24-
>>>to be continue